Tuesday, March 07, 2006
Withered Bloom
Mood:
Di ko maipaliwanag. Basta noong pagising ko last Saturday, iba ang pakiramdam ko. Titingin ako sa salamin mapapasabi na lang ako ng "Shit! Ang ganda ko ngayon!!" Di naman ako bakla or silahis pero iba talaga ang pakiramdam ko sa sarili ko. Blooming ako noon. Wierd no? Hindi maipaliwanag na kasiyahan kasi sa wakas makikita ko na ulit ang mga barkada ko. Another day of Sabbath has began.
Kaya tanghali pa lang pumunta na ako sa Mega para kitain si Kinori para sa bayad niya sa renta. Nandun na rin sila Karl, Deki, Ate Noey, Jacob at Ella. Papunta na sila sa G4 para sa M4. Medyo matagal ang paghihintay ko kay Kinori pero buti na lang nakarating siya ngunti PHP 100 lang ang ibinayad niya. Sabi niya na kunin ko na lang kay Anbu yung dagdag. Tapos noon, nakita ko sila Noel, Elise at si Jeff. Kilala ni Noel si Anbu kaya sumabay na ako sa kanila. Di ko pa kasi siya nakikita. Kaya ayun nagkakita kaming lahat sa G4. Umakyat kami sa Timezone para makita kung sino sino na ang mga nandun. Tapos isa isa na silang dumating. Sila Jade, Jet, Allan at ilan pa. Di ko inasahan pero si Shawn ay nandun din.Tapos nagyosi kami sa may Starbucks habang tinatanaw ang mga buildings sa Makati kasama sila Jeff at Noel.
Bumaba na kami kasi sabi daw magsisimula na ang Cosplay event. Nasa baba sila Luna, Lex, Deki at ang iba pa. Nagtatampo nga sa akin si Lex dahil di ko siya agad namukhaan. May problema kasi ako sa recognition. Sila Aaron at Ariks nandun din. Tapos nagyaya nang kumain si Karl at Chris. Treat daw ni Chris. Kaya sabay sabay kami sa KFC at kumain. Grabe ang pinaguusapan nila habang dumudulog kami... regla. Ayus.
Tapos umakyat ulit kamisa TimeZone. Nagyosi kami ulit with the usual peeps. Tapos nagsimula ang tunay na kasiyahan kahit hindi namin napanood ang cosplay. With KR, Jet, Jade, Jeff, Pedz, Cheska and Noel, nagsimula na ang bastusan namin. Panay kung ano ano na ang pinagkekwentuhan namin. Pilyo kaming lahat. Si Noel lang ang di gaanong makarelate.
Maggagabi na, at dumating rin sila Radius, Sonar at Lord Caz (nalimutan ko real name ^^;) Tapos na Drum Mania at Guitar Freaks sila. May bata nga dun na sobra sa galing, sinasamba namin siya. Tapos nandyan din si Mark na friend ni Radius. Isa pang pilyo ang taong to. Yung bang babaeng nakapink nakita niya raw ang kuyukot XD Ang saya ng kwentuhan namin. 'Blooming' pati ako. Salamat kay Morbid. Mahal ko talaga siya. Tampok pa nga ako sa gamerclan.multiply.com sa dami ng kuha ko courtesy of Ate Noey. Featured gamer ika nga. Panay pacute nga mga kuha ko eh. Panira naman si Shawn amp.
Uwian na. Sabay sabay na kaming lahat ng pahilaga. Tapos nasa MRT na kami. Nagkakakwentuhan kami about the cosplay groupings. Unconciously, nabanggit ko ang underground project na cosplay group sa mga kasama ko. Maayos naman ang naging flow ng conversation hanggang umepal at bumanat ang isang sira ulo na isip bata, nagsasabi na "gasgas na yan!!" Tangina. Buti nakayanan ko pa ring kontrolin ang galit ko sa kanya. Putangina naman, last year pa niya tinuturndown ang efforts ko tapos gagaguhin niya pa ako. Panay destructive criticisim na lang ang naririnig ko sa kanya tapos kapag nandyan ako hindi man lang niya ako napapansin na kuya-kuyahan niya. Hindi na nga niya ako ginagalang. Tangina, sa sobrang sama ng loob ko sa kanya, putsa panay parinig na lang ang ginawa ko dahil ayoko rin namang magwala. Eh eto namang si Shawn kala niya sasabog na ako, nanapaparanoid na. Anong tinigin niya sa akin, bobo upang di makontrol ang galit? Kahit papaano, nasa may boundery na ako at puputok na, na manage ko na di magalit ng sobra. Parinig lahat ng ginawa ko. Kinokonsensya ko ang hinayupak na isip bata na yan, sa mga pinaggagagawa niya sa akin at planong paghihijack niya sa costume ko. Sinira niya ang araw ko. Tangina.
Dahil medyo banas na rin ako, di ko na rin maiwasan na makapagsalita kay Karl, lahat nang nalalaman ko at naririnig tungkol sa kanya. Kahit papaano binawasan ko ang dala kong burden.
Kinabukasan, pumunta naman ako sa SM North para sumabay sa Star City. Dumating na sila Loven, Shawn, Ken at Waloz. OK nam, at least may kasama ako. Medyo natagalan si Tere at upset na si Shawn. Pero nakarating pa rin siya. Lumakad agad kami sa Star City at nagenjoy. Sumunod sa amin si Markel. First time ko na makasaya sa Viking at Ferris Wheel. Ang saya ko. Pero walang tatalo sa Grand Carousel na pinaikotikot namin ni Markel ang isang upuan dun. Hilong hilo kami sobra!! Pero ang saya. Tapos umuwi na rin kami ng mga 9 ng gabi.
Medyo upset ako kanina. Di ko nakuha kay Kinori yung kaukulan na bayad. Wala na akong pera pa. Gusto ko na sanang umiyak eh. Di siya dumating. NagPM pala siya sa akin sa GC na hindi pala siya makakapunta. Tapos nito ko lang naramdaman na pinapabayaan na pala ako ng mga magulang ko.
Parang ayoko na.
A flower that has bloomed has finally lost its beauty.
2:05 AM ...another day has ended.
Name: Fuketsu Murasaki
Alias: Tainted Purple, TP, Satanic Priestess, Maki, Pendrille Walpurgis de Faux
Age: 23 and rising
Birthdate: 101084
Religion: Ideal Christianity
Nationality: None Specified
Description: Visual Artist, CG Artist, Song Writer, Musician, Novelist. Psychotic, Sarcastic, Ego Tripping, Temperemental, Foolish, Wants to rule the World.
Horror, Scifi, Adventure movies; Sour, Sweet foods. Arcade Simulation and Online gaming. Artworks. Kind, Understanding people.
Annoying, Arrogant, Selfish, Sinister, Numb, Unfaithful jerks.
Credit.
© Designed by
Angel_Of_Memory
Interface Modified by: The Satanic Priestess