Wednesday, September 06, 2006
Politika at Barkadahan
Mood: 
Paano ba masisira ang isang samahan?Ako bilang observer sa mga bagay sa paligid, sa akin lang gasgas na ang mga ganyang strategy. Yung someone will get your asses out from a particular group? That's what I call politics. Pero paano nga ba nahahati ang isang grupo sa dalawa?
Ganito lang yan:
Una, may magsusuggest ng VIP status. Maari itong manggaling sa mga bumuo ng group, ilang mga naunang members o kaya naman sa mga atribidang members.
Ikalawa, dito na mabubuo ang discrimination. Dahil feel ng mga "elite" members na iba sila sa mga newbies or mga last batch, dito na iiral ang alitan.
Ikatlo, dito na mangyayari ang tension. Elitista laban sa mga inferior members. Minsan sa malas ng inferior members, isa lang lagi ang napapagbalingan ng pansin, o isa lang lagi ang nabubully sa group.
Ikaapat, rebellion. Dito sa stage na to mahahati sa dalawa ang group (Or kung malas ng isang member na yun, considered na siya na "tablado"). Malas naman ni boy, hanap ulit ng bagong set of friends! Nyahahah!!
Kaya nga gasgas na para sa akin yang move na ganyan, kasi I have been into four set of friends dati. At may nagbabanta pang panglima. Swerte ko ano, kaya nga aalis na rin ako sa community na within five years, para alam kong may sasalo sa akin kung magkakaganun nga. Kaya nga di ako nagtitiwala ng basta kahit kanino. Dahil kapag nagitiwala ka, ikaw lang ang masasaktan sa huli. Gets?
3:52 PM ...another day has ended.
~o(†)o~