Monday, September 11, 2006
The Bakekang Syndrome
Mood: 
ANG PANGIT MO TANG INA MO!!
Normal mo bang maririnig yan sa araw araw na buhay natin? Malamang sa mga "di nabiyayaan" ng maayos na itsura malamang. Yung iba kimkim ang sama ng loob, yung iba, tila manhin na... pero ganun ba talaga tayong mga tao, ganap na mahilig mangalipusta kapag ang isa'y salat sa itsuara?
Kung ako ang tatanungin putsa natikman ko na ang lahat ng pasakit, di naman ako ganun uri ng montrosities pero may mga tao talagang sadyang gago. Kapag pangit ka, pangit ka, pagtatawanan, paglalaruan, gagamitin, aalipustahin etc. Lahat na ng kamalasan pwede mo nang matikman.
Akala ko nga nung una noon lang kapanahunan ni kopong kopong ginagawang laughingstock ang mga ungly ducklings. Dun pa lang nagkamali na ako. (ISANG BATOK NGA NA MALAKAS!! WAPENG!!) Hanggang ngayon pala, dala pa rin ang discrimination na pinauso ng mga banyaga sa atin noon pa. May norms kasi eh. Anong magagawa natin?
Simbahan, Media. Yan ang dalawang HAYUP na nagseset ng norms sa atin. Simbahan, kasi sila ang nagseset ng moral values sa atin. Kung hindi kaayaya, o basta kakaiba, WEIRD, masama na para sa kanila. taliwas daw yun sa kagustuhan ng "diyos" nilang tinatawag. Media, kasi dito madalas nakikita, naririnig o nararamdaman ang mga 'norms' sa ating paligid. Ultimong makakita ng ng nagpapatayan sa TV sa atin normal na yun, paano kaya kung IRL pa, di ba? Dahil dito malaking kasangkapan ang Media sa paghahatid ng information na nakakauti, ngunit kadalasan nakakasira ng moralidad (Oops, konti na lang legal na ipalabas ang HENTAI dito!!) Anong relasyon nito sa Bakekang Syndrome?
Yun na nga eh, Media. Ang kulit no? Ano ano ba ang mga imahe na ponoportray sa atin kapag nakakakita ng pangit?
Nilalait? Pinagtitripan?
Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, media nagutos sa iyo eh. Sakto nga lang talaga na ipapalabas ang "Bakekang" sa hayup na GMA 7, taenang pagkakataon nga naman. (Tagal ko na kasing gumawa ng topic tunkol dito, ehehehe.) Ano ba ang pinapakitang ginagawa nila sa pangit? Di ba binubuhusan ng tubig, sinasabunutan, verbal abuse to the max... [insert random witchcraft here...] Kaya anong implikasyon nito sa atin? Siya rin natin itong ginagawa sa IRL [In Real Life]. Tayo ang personification ng media... kahit aminin man natin o hindi. Kaya minsan di na lang ako nagsasalita...
Ang sama diba? Bakit may pangit ba na artista? Syempre, kadalasan nga lang naman eh yung mga nabibigyan ng roles kung saan 'kawawa' sila. Kahit naman dito sa cosplay world eh.
"Uy tignan mo ang lupit oh? Daring!!"
Yan ang masasabi natin kapag UBER sexy yung cosplayer, yung talagang mapapanganga ka, mapapanosebleed, mapapajakjakjak... [kahit sa banyo mapapagpapantasyahan XD] Di ba? Normal yan. Kasi MAGANDA siya. {Uy ang ganda...}
"TANG INA DI BAGAY SA KANYA KINOCOSPLAY NIYA"
Ito yung mga banat ng mga fan boys kapag nakakakita ng mga coslayer na nagkakalat. Eto lang ang di nila magets: Dude, cosplaying is really meant for fun, not for fame. Kahit ba di bagay bakit ba anong paki mo? {Ay di pala...}
"Eh Tang ina kasi ang pangit niya eh!! Akala mo bagay sa kanya!!"
Usual reactions talaga ganyan. Kawawa naman yung mga cosplayers na nilalait dahil sa Bakakeng Syndrome na isinalpak sa kokote ng media sa atin... hay... Kaya pala agaw agaw ang mga cosplayers para manalo, di na to basta katuwaan lang, garapalang kompetensya na... kaya nga nagtataka akong kung ano kaya ang nararamdaman ng mgacosplayers na higit na nababackstab. Weirdo na nga ang tingin sa kanila ng iba eh. Because they are doing it for fun.
Fun? Where's the fun? Tis' ain't funny anymore...
Kaya eto lang. Minsan na akong nabiktima ng mga katulad na karanasan. Yung mapatalsik ka sa dahil di "raw" bagay sa yo yung character na kinocosplay mo. Eto yung malupit!! Pati yung costume, napilitan kong ipahiram dahil sa "lakas" nila!! Panay perpeksyonista na yata ang natitira sa cosplay community ngayon eh... nawala na yung "tunay" na essence ng cosplaying.
Siguro hanggang dito na muna ako baka maban ba kasi ako dahil sa talamak na censorship, mahirap na ang maMTRCB.
3:50 AM ...another day has ended.
~o(†)o~