Friday, September 15, 2006
The Relationship of Karma and Irony
Mood: 

Hindi ka ba nagtataka kung minsan bakit kung ano ang bagay na inaasahan natin, ang nangyayari ay kabaligtaran? Hindi ka ba nangtataka kung bakit minsan umaasa ka ng something na maganda pero pangit ang kinalalabasan? Nalilito ka na ba sa sinasabi ko pero parang nakapagbasa ka ulit ng pabula at may natututunang bago?
Minsan nakakalito talaga ang buhay, unfair nga para sa karamihan. Kaya nga gusto na ng mga suicidal na magpakamatay.(Lalo na yung mga so-called slashers. Kasi hirap na hirap na raw sila...LUL.)
Irony tawag dyan. Kung ano pa ang hinihiling natin na mangyari ay kabaliktaran pa o taliwas sa iniisip natin. Isa rin itong figure of speech. Kadalasan itong gingamit kapag gusto mong makipagplastikan (lalo na dito sa communtiy natin na 75% ay plastik). Aside pa sa irony, ang kadalasan na ginagamit na figure of speech ay metaphor (kaso hindi ito ang topic natin ngayon.). Associated din ang irony sa sarcasm, yung istilo na parang gusto mong pumuri pero nanggagago ka na rin at the same time.
"Bakit kaya minsan, kung sino pa ang mabubuti, sila pa ang nahihirapan, at kung sino naman ang may ILL will sila pa ang pinagpapala?"
Ito yung kadalasan na tanong ko sa sarili ko tuwing wala akong ginagawa. Ironic di ba? Kung tutuusin, ang karma, dapat kontrolado mo dahil ALAM mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Dapat ka nga na higit na binibiyayaan. Pero may mga tao talagang GAHAMAN sa karma na dapat ay nasa sayo. Kaya yung mga taong may ILL will ay nagagawang ang kahit anong paraan para maiiwas sa iyo ang biyaya ng good karma. Siguro alam mo weakness nila ano? Obvious naman eh.
"Wag mong isipin na tinatabla ka namin, nagkataon lang na may problema siya na aayusin namin..." Pero in fact tinataboy ka na.
"Gomenasai, no offense but..." Pero intention niya manggago.
"Kapag lalo mong iniisip yun, lalo yung mangyayari..." Pero isipin mo man o hindi, nangyayari na pala.
Gets mo ang irony? Ang sakit noh? Pero ganyan talaga ang buhay. May mga taong sadya talagang gago. May mga tao namang handang makidamay. Kaya may Irony para may challenge ang buhay natin. Kung walang irony, boring di ba?
Kaya nga minsan kahit masama ang mainggit, naiingit na ako sa mga gahaman sa good luck na panay bad intentions ang nasa isipan. Parang yung mga politko in and out of community. Kasi pati anime community pinuputakte na rin ang intriga, showbiz at politka eh. Maging ganun din kaya ako no? Wag na lang. Feeling mo kasi minsan dinadaya ka na ng mga taong nagpakilala sa iyo na "kaibigan" pero ilalaglag ka naman sa huli. May mga tao kasi na sabi nila kaibigan ka nila, tandem daw kayo, tutulungan ka nila. Pero sa huli, wala na. Parang di na nga kilala eh. Ironic di ba?
Minsan gusto mo nang magwala dahil nasasaktan na kalooban mo kaya kelangan mong ilabas kaso di mo na magawa ang mga bagay na yon dahil sa pagmimind set sa iyo na maging kalmado, di ka na makabasag pinggan. Literal. Eto yung matindi! Eh yung mga taong nangmind set pa sa iyo eh sila pa yung mga taong nagpapakilala sa iyo na kaibigan. Ironic talaga... sakit pa!!
Hay nako, the world is full of irony. Kung sino pa nga yung masama eh sila pa yung "champions" at yung mga mabubuti sila pa yung mga sinasawing palad. Kahit saan ka magpunta, nandyan talaga ang irony. Kahit di mo gustuhin kelangan mong sanayin ang sarili mo kahit na masakit. Ironic talaga, di ba?
To HELL with Vatican.
7:04 PM ...another day has ended.
~o(†)o~