Wednesday, November 08, 2006
The Pentagram of Colors
Soundtrip: Solitude by Aiko Kayou
Alam niyo ba kung pano maglaro ng Magic the Gathering? Yung card game na sinasabi na may sa demonyo raw? Well di yan ang paguusapan natin mga peeps.
Kung mamapansin niyo may 5 kulay sa MTG aside sa colorless na artifacts at lands. Ito ay White, Blue, Green, Black at Red. Pero kada isang kulay ay may dalawang kakampi at dalawang kaaway na kulay. Halimabawa, ang White ay pwedeng kumampi sa Green, ngunit kaaway niya ang Red which is kakampi ng Green. Kung sa Blue naman ito kakampi, kakampi naman ng Blue ang Black which is ang Mortal na kaaway ng White. Kung iillustrate nating maigi, kung ano ang kulay na kalapit ng isang color sa magic, tiyak na ang dalawang malayong kulay ang kaaway. At ang kakampi mong kulay ay may kakampi na tiyak na kaaway mong kulay. Get's niyo?
Pero di ito ang paguusapan natin mga peeps.
Minsan may nababalitaan na lang ako na may nagkakagulo sa mga kaibigan ko. Nakikita ko kung ano ang dalawang panig at lumalapit sila sa akin. Ako naman si tanga ay bigay ng bigay ng payo tapos nalilito ka na ksi di mo alam kung sino ang kakampihan mo. Dahil kung kumampi ka man, kaaway mo na yung isa. Ngayon gets niyo na kung bakit ang hirap ng maraming kaibigan. Masarap lang yan sa una, parang sex pro magsasawa ka rin.
Naipit na ba kayo sa isang situation na ang mga kaibigan mo ay nagaawayaway at naiipit ka sa gitna? Ang hirap ng masandwich di ba? Paano ba natin ito nalulusutan? Kung sa MTG paano mo mabibigyan ng harmony ang dalawang kulay na magkaaway?
Ang sagot ay nasa bumubuo ng deck. At kung ano ang panininindigan mo.
3:32 AM ...another day has ended.
~o(†)o~