Monday, April 30, 2007
Ang Kapangyarihan ng Media
Kung ano ba ang nakikita mo sa TV, sila lang ba ang sikat? Ano ba talaga ang kapangyarihan ng media?
Advertising. Dito kumukuha ng lakas ang mga TV networks na puhunan, sa dami ng nagpapaadvertise sa kanila. Syempre mas mataas na ratings mas malaking chance. Kaya yung mga TV networks kanya kanyang raket (lalo na yung isa dyan na pinagduduldulan nila sa mukha ng masa na sikat sila sa pamamagitan ng logo nilang halos 3/4 ng TV screens niyo) para makahikayat o mang brainwash. Kahit sa billboards, sticker ng MRT, poster o sa mismong TV lang. Syempre, kung sino ang madalas nakikita ng madla yun ang tatangkilikin. And sometimes I ponder about the most of us Filipinos patronize lame programs na wala namang kalatoy latoy kundi sa drama, o kung hindi kabastusan. Kung ano ang nakikita natin na suot ng mga artista, yung mga gupit nila, yun yung ginagaya o pinapauso.
Politics: Panahon na naman ng eleksyon. Syempre may mga delegado na sumikat sa pamamagitan ng media na nangaling lang mula sa pagiging druglord o kaya naman boxing champ. Naexpose sa TV, sikat. Iboboto na ang mga yan kasi nakita na ng madla, ni hindi nga natin talaga kinikilatis kung akma nga sila sa position na tinatakbuhan nila.
Sabi nga ng professor ko dati, "Advertising is a best form of lying." Di nga siya nagkamali. Nalala ko rin yung pelikulang Megiddo kung saan tinake advanatage ng nakakatandang kapatid na Stone ang kapangyarihan ng media gamit ang TV na ang youger brother niya ang pumatay sa ama nila, ngunit sa katotohanan ay siya ang may sala.Basta sa akin lang, wag kayong magpapaloko sa mga nakikita niyo.
12:54 AM ...another day has ended.
(0) Comments
~o(†)o~